DJDT

Versions

Oras

Settings from academy.settings

Headers

Request

Static files (1952 found, 8 used)

Templates (15 rendered)

Cache calls from 2 backends

Signals

<- Aklatan ng Kabbalah
Magpatuloy sa Pagbasa ->
Kabbalah Library Home / Ari / Ang Puno ng Buhay, Ez Chaim

Isaac Luria Ashkenazi (ARI)

Ang Puno ng Buhay

Masdan na bago pa man ang mga nilikha ay nalikha at ang mga nilalang ay nalalang,

Ang Mataas Payak na Liwanag ay tinigib ang buong sansinukob.

At walang puwang, tulad ng hanging walang buhay, hungkag,

Datapwat ang lahat ay tigib ng yaong Payak, at walang Katapusang Liwanag.

At doo’y walang yugtong tulad ng simula o katapusan,

Subalit ang lahat ay Isa, Payak na Liwanag, patag at pantay,

At ito’y tinawag na "ang Liwanag ng Ein Sof” (Walang Hanggan)

At sa Kanyang simpleng kalooban, dumating ang pagnanais na likhain ang mga daigdig at lluwal ang mga nilalang,

Upang ihatid ang liwanag ng kahusayan ng Kanyang gawa, ang Kanyang mga pangalan, ang Kanyang pagkakakilanlan,

Na naging sanhi ng pagkakalikha ng mga daigdig,

At ang Ein Sof ay pinigil ang Kanyang Sarili, sa Kanyang gitna,

At Kanyang pinigilan yaong Liwanag, at lumayo patungo sa gilid sa paligid ng gitna nito.

At doon, may nanatiling isang lugar na walang laman, hangin na walang buhay, isang hungkag,

Hustong-wasto, mula sa gitna nito.

At yaong pagpigil ay pantay na nakapalibot sa hungkag na kaibuturan,



Kaya’t yaong puwang ay pantay na nakapalibot sa paligid nito.

At makalipas ang pagpipigil, ng ang bakanteng espasyo ay nanatiling hungkag,

Hustong sa gitna ng Liwanag ng Ein Sof,

Isang lugar ang nabuo, kung saan ang Paglalang, mga Nilikha, Pagbubuo, at Aksyon ay maaaring taglayin.

At mula sa Liwanag ng Ein Sof, isang hibla ng liwanag ay sumilay mula sa Itaas, ibinaba sa espasyong yaon.

At sa hiblang yaon, Kanyang nalalang, nalikha, nabuo, at nagawa ang lahat ng mga daigdig.

Bago pa man sa apat na daigdig na ito, may isang Liwanag ng Ein Sof, na ang Pangalan ay Iisa, sa kamangha-manghang, natatagong pagkakaisa,

At maging sa mga anghel na pinakamalapit sa Kanya,

Walang lakas at walang pagtatamo sa Ein Sof,

Sapagkat walang karunungan ng isang nalikha ang makakaarok sa Kanya,

Sapagkat wala Siyang lugar, walang hangganan, walang pangalan.


-Ang Ari, Ang Puno ng Buhay, Unang Bahagi , Unang Lagusan